Kelot tinawag nang ‘supot’ pinagsasaksak pa ng mister

Sa report kinompronta ni Eric Bibon, 30-anyos, si Jhaynard Bagnas na umano’y nagmura sa kanya at sinigawan siyang “supot” (hindi pa natuli) habang umiihi sa gilid ng Alfonso Enrile Bridge dakong alas-2:00 ng hapon.
File Photo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Kritikal ang isang obrero matapos saksakin nang paulit-ulit ng isang 19-anyos na mister na kanyang sinita sa pagsigaw ng “supot” habang umiihi ang una sa tabi ng kalsada sa Brgy. Macanaya, Aparri, Cagayan kamakalawa.

Sa report kinompronta ni Eric Bibon, 30-anyos, si Jhaynard Bagnas na umano’y nagmura sa kanya at sinigawan siyang “supot” (hindi pa natuli) habang umiihi sa gilid ng Alfonso Enrile Bridge dakong alas-2:00 ng hapon.

Nauwi ang komprontasyon ng dalawa sa paghugot ni Bagnas ng kutsilyo at pinagsasaksak si Bibon sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. Isinugod ng mga sumaklolo si Bibon sa ospital habang nadakip ng mga rumespondeng pulis si Bagnas matapos ang insidente.

Show comments