75 patrol car ibinigay sa PNP
MANILA, Philippines — Dahil sa mahalaga ang kaligtasan ng publiko, 75 na sasakyan para gamitin sa pagpapatrolya ng mga barangay at dalawang police mobile car ang itinurn-over sa Philippine National Police (PNP) ni Dasmariñas City Mayor Elpidio “Pidi” Barzaga.
Ayon kay Barzaga, seryoso ang lokal na pamahalaan sa kampanya nila para maiwasan at makontrol ang kriminalidad sa kanilang siyudad at mapanatili ang peace and order para sa kaligtasan ng mga Dasmarineño na angkop sa kanilang tema na “Sa Team Dasma, Mamamayan ang Bida. Sulong na, Sulong pa, Lungsod ng Dasmariñas.”
Ang 75 Hilux Barangay Patrol units ay para sa 75 barangays at dalawa naman ang para sa PNP. Nagkaroon din ng ceremonial blessing noong Sabado ng gabi na dinaluhan nina dating Cavite Gov. Jonvic Remulla, Provincial Director P/Sr. Supt. William Segun, Regional Director P/Chief Supt. Edward Carranza, at City Chief of Police P/Supt. Nerwin Ricohermoso.
Kasama rin ni Barzaga sa pag-welcome ng kanilang bisita si Congresswoman Jenny Austria-Barzaga, Vice Mayor Raul Rex Mangubat, Board Member Rudy Lara, City Councilors, Barangay officials, Kiko Barzaga, Robin Cantimbuhan, at Glenn Malihan.
Naipamahagi na sa iba’t ibang barangay ang nasabing mga sasakyan sa Dasmariñas City.
- Latest