Rider tepok sa trak

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Isang 40-anyos na rider ang nasawi matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa kasalubong na 10-wheeler truck sa kahabaan ng national highway ng Purok-5, Brgy.Sogoy sa bayan ng Castilla, Sorsogon nitong Huwebes ng madaling araw. Sinubukan pang isugod sa Vicente Peralta Memorial Hospital pero idineklarang patay ang biktimang si Wenceslao Miranda Mantes, residente ng Pilar, Sorsogon. Sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw magkasalubong na tinatahak ang highway ng motorsiklo (ED-11381) ng biktima at trak na minamaneho ni Oro Espinida Goyal Jr., 20-anyos, residente ng Brgy. Lajong sa bayan ng Bulan nang biglang mawalan ng direksyon sa manibela ang rider at kumabig sa kabilang linya. Sinubukan pang iwasan umano ng trak ang kasalubong na motorsiklo pero bumangga pa rin ito dahil sa bilis ng takbo.  

Show comments