^

Probinsiya

3 bebot tiklo sa P.6-M shabu

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
3 bebot tiklo sa P.6-M shabu
Nakakulong na at nakatakdang sampahan ng kaso ngayong umaga ang mga suspek na kinilalang sina Irene Dealagdon Villanueva, Maricel Nalles Rangadajo na parehong sumuko noon sa Oplan Tokhang at number 8 sa drug watchlist ng lungsod at si Jernalyn Dealagdon Villanueva, pawang residente ng nasabing barangay.
File Photo

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kalaboso ang tatlong mga notor­yus na babaeng tulak ng ipinagbabawal na droga matapos masamsaman ng nasa P.6-milyong halaga ng shabu sa inilatag na buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-5 sa Brgy. Pigcale sa lungsod na ito kahapon ng hapon.

Nakakulong na at nakatakdang sampahan ng kaso ngayong umaga ang mga suspek na kinilalang sina Irene Dealagdon Villanueva, Maricel Nalles Rangadajo na parehong sumuko noon sa Oplan Tokhang at number 8 sa drug watchlist ng lungsod at si Jernalyn Dealagdon Villanueva, pawang residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, matapos ang ilang araw na pagmamanman sa aktibidad ng mga suspek, dakong alas-3:15 ng hapon sa tulong ng mga tauhan ng Legazpi City Police ay inilatag ng PDEA sa pangunguna ni Agent Enrique Lucero ang buy-bust operation laban sa kanila. Hindi na nakatakbo ang mga suspek nang arestuhin ng mga operatiba makaraang iabot sa poseur buyer ang biniling droga.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang malalaking plastic sachet ng shabu na may timbang na 100 gramo at may market value na 600-libong piso, buy-bust money at mga drug paraphernalia.

DRUG BUY-BUST OPERATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with