^

Probinsiya

Ex-tserman itinumba sa pansitan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Isang dating barangay chairman na ngayo’y kawani ni City Mayor Jefferson Soriano ang itinumba ng hindi pa natukoy na berdugo sa loob ng pansitan sa Brgy. Ugac Norte rito noong Linggo.

Kinilala ni Supt. George Cablarda, hepe ng Tuguegarao City Police ang biktima na si Romarito Arao, 53, market supervisor ng pamahalaang lokal at dating chairman ng Brgy. Ugac Norte. Habang kumakain ng pansit ang biktima sa Triangle Pansitera nang pumasok at ratratin ng berdugong naka-helmet dakong alas-7:40 ng gabi.

Nagpulasan ang mga tao sa loob ng pansitan sa takot na madamay habang kasuwal na nag­lakad lamang palabas ang killer at sumakay sa motorsiklo.

Tatlong basyo ng bala ng cal. 45 ang narekober ng SOCO sa lugar. Isa ang anggulong kaugnay sa trabaho ang tinitingnang motibo sa krimen.

vuukle comment

CRIME

JEFFERSON SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with