2 dedo sa Comelec checkpoint

Ayon kay P/Supt. Nerwin Ricohermoso, hepe ng pulisya sa lungsod, bandang ala-1:00 ng ma­daling araw habang nagsasagawa sila ng checkpoint sa nasabing lugar nang dumating ang isang motorsiklo lulan ang dalawang lalaki kaya tinangka nilang harangin.
Edd Gumban

CAVITE  , Philippines  —   Dalawang hindi nakikilalang lalaki ang napatay matapos uma­nong takasan ang inila­tag na Comelec checkpoint at makipag­palitan ng putok sa mga awtoridad kahapon ng madaling-araw sa Snake Road, Brgy. Salawag Dasmariñas City.  

Ayon kay P/Supt. Nerwin Ricohermoso, hepe ng pulisya sa lungsod, bandang ala-1:00 ng ma­daling araw habang nagsasagawa sila ng checkpoint sa nasabing lugar nang dumating ang isang motorsiklo lulan ang dalawang lalaki kaya tinangka nilang harangin.

Imbes na tu­malima, hindi umano sila tumigil at pinaharurot ang motorsiklo patakas. Dito na nagkaroon  ng habulan at palitan ng putok hanggang sa bumulagta ang mga suspek na tinatayang nasa 30-35 anyos at may taas na 5’1- 5’5”.

Show comments