^

Probinsiya

CAFGU nilikida ng NPA-Sparu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
CAFGU nilikida ng NPA-Sparu

MANILA, Philippines — Isa na namang mi­yembro ng CAFGU Active Auxillary (CAA) ang nalagas matapos likidahin ng Sparu hit squad ng New People’s Army (NPA) sa Negros Island sa Brgy. Lina­tuyan, Guihulngan City, iniulat kahapon.

Kinilala ni Major Abel Potutan, acting chief ng AFP Central Command ang biktima na si CAA Joseph Gabia, residente ng nasabing lugar na nasawi agad sa lugar dahil sa dami ng tama ng bala sa katawan. 

Sa tala, sinabi ng opisyal na si Gabia ay ika-19 pinaslang ng SPARU unit sa lalawigan ng  Negros si­mula noong nakalipas na taon hanggang sa unang bahagi ng Ene­ro ng 2019. Bandang alas-5:30 ng hapon kamakalawa habang pabalik sa patrol base sa Brgy. Linantuyan ang biktima nang siya ay tambangan at pagbabarilin ng mga rebelde.

Tinukoy ng opisyal na ang NPA’s Special Partisan Unit (Sparu), ang hit squad ng komunistang grupo  ang nasa likod ng pamamaslang sa biktima.

CAFGU ACTIVE AUXILLARY

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with