Obrero pumalag sa aresto, todas

RIZAL, Philippines — Patay ang isang obrero makaraang umano’y manlaban habang sinisilbihan ng warrant of arrest ng mga awtoridad sa Antipolo City kamakalawa ng hapon. Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-3:30 ng hapon nang mapatay ng mga awtoridad ang suspek na si Jeffrey del Monte sa Sitio Pasong Palanas sa Brgy. San Juan, Antipolo City.

Habang sinisilbihan umano ng mga pulis ng warrant of arrest si del Monte dahil sa kasong attempted homicide sa kanyang tahanan nang bumunot umano ang suspek ng baril at nagpaputok sa halip na sumama ng maayos. Dahil dito, napilitang gumanti ng putok ang mga awtoridad na ikinabulagta ng suspek.

Show comments