Ministro ng INC, utol tusta sa kuryente
TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Nasawi ang isang umano’y ministro ng Iglesia ni Cristo (INC) at kapatid nito matapos na aksidenteng matapakan ang high voltage wire sa loob ng compound ng simbahan sa Brgy. Minanga, Naguilian, Isabela noong Biyernes. ?
Sa report ng pulisya, natusta at patay na sina Ministro Dennis Dagman, 21, at utol nitong si Mark Rendy, 18, nang matagpuang nakahilata sa lupa at nadaganan pa ang kable ng kuryenteng nakakabit sa water pump dakong alas-12:30 ng tanghali. ?
Pinaniniwalaang sinikap sagipin ng nakababatang Dagman ang ministro nang kumisay ito sa natapakang kuryente subalit pati siya ay nadamay.?
- Latest