Tirador ng motor, todas sa shootout

GAPAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isang hinihinalang kawatan ng mga motorsiklo matapos makipagbarilan sa humahabol na mga pulis sa NIA Road, Barangay Mangino, ng lungsod noong Martes ng umaga.

Sa report ng Gapan City Police, habang nagsasagawa sila ng “Oplan Sita” sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Amihan nang balewalain umano ng isang rider ang kanilang senyas na huminto at biglang tumakas sakay ng  TVS motorcycle. Dito nagkaroon ng habulan at nang malapit nang masukol ng pulisya ang suspek pagsapit sa Brgy. Mangino ay pinaputukan umano nito ang mga pulis sanhi ng shootout dahilan upang bumulagta ang suspek na  inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Sa imbestigasyon, nakilala ng pulisya ang may-ari ng naturang motorsiklo na tinangay ng napatay na suspek na si George Garcia, isang negosyan­te. Kasama umano noon ni Garcia ang isang Joana Aisporna nang tangayin ng suspek ang kanyang motorsiklo at maging ang kanilang cellphone at cash noong Disyembre 3, 2018.

Show comments