^

Probinsiya

2 ISIS terrorist utas sa shootout!

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
2 ISIS terrorist utas sa shootout!
Sa ulat ni Chief Supt Eliseo Rasco, Director ng Police Regional Office (PRO) 12, dakong alas-2:30 ng mada­ling araw nang mangyari ang engkuwento sa kahabaan ng Kapingkong Road, Brgy WJC Montilla ng lungsod.

MANILA, Philippines — Dalawang pinaghihinalaang bomber ng terrorist inspired Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang napaslang matapos nilang makasagupa sa checkpoint ang pinagsanib na puwersa ng pulisya  at militar sa Tacurong City,  Sultan Kudarat nitong Lunes ng madaling araw.

Sa ulat ni Chief Supt Eliseo Rasco, Director ng Police Regional Office (PRO) 12, dakong alas-2:30 ng mada­ling araw nang mangyari ang engkuwento sa kahabaan ng Kapingkong Road, Brgy WJC Montilla ng lungsod.

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang Sultan Kudarat Provincial Police Office (SKPPO) na agad ipinaabot sa iba pang security forces hinggil sa planong pagbibiyahe ng ISIS inspired terrorist groups  ng Improvised Explosive Device (IED) sa Tacurong City at munisipalidad ng Isulan sa lalawigan.

Agad na naglatag ng checkpoint ang pinagsanib na ele­mento ng pulisya at Philippine Army sa mga istratehikong lugar ng lungsod at bayan ng Isulan.

Sinabi ni Rasco, dakong alas-2:30 ng madaling-araw habang papalapit sa checkpoint ang mga suspek lulan ng kulay abong multicab ay bigla silang nag-u-turn at sabay na pinaputukan ang mga operatiba ng Regional Mobile Force Battalion na nagresulta upang magresponde ang mga iba pang security forces, Nagkaroon ng habulan at nang malapit nang abutan ang dalawa ay nagkaputukan hanggang sa ilang saglit pa ay kapwa duguang bumulagta ang dalawang sinasabing bomber.

Narekober sa lugar ang isang cal 9mm pistol na may tatak ng PNP, isang KG 9, mga bala, isang IED at isang bandila ng ISIS. 

BOMBER

ISLAMIC STATE OF IRAQ AND SYRIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with