P1-M shabu samsam sa 2 ‘tulak’

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang tinaguriang bigtime drug pusher sa inilunsad na anti-drug operation sa public market ng bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, kamakalawa.

Kinilala ni PDEA-ARMM regional director Juvinal Azurin ang mga suspek na sina Datunot Abdul Manunggal, fish vendor, ng Cotabato City at Odin Amba Talipasan, 49, may asawa, chainsaw operator ng Barangay Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao. Sila ay kabilang umano sa mga high value target ng PDEA-ARMM na nag-ooperate sa Maguin­danao at Cotabato City.

Ayon kay Maguinda­nao police provincial director S/Supt. Edwin Wagan, nagsagawa ng drug buy-bust operation ang pinagsanib na puwersa ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA-ARMM) at pulisya sa public market ng bayan ng Datu Odin Sinsuat laban sa dalawang suspek. Nang kanilang iabot ang shabu na nabili sa PDEA asset ay doon na sila hinuli.

Nasamsam sa mga suspek ang shabu na nasa isang milyong piso, isang kalibre .45 pistola, mga bala, marked money at motorsiklo.

Show comments