2 tulak tumba sa drug bust

Kinilala lamang ang isang suspek sa alyas Reymart o Pate na nasawi sa insidente habang hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isa pa na si alyas Patrick; kapwa nasa hustong gulang.

BULACAN , Philippines  —  Dalawang lalaking hinihinalang mga notoryus na tulak ng shabu ang nasawi matapos na isagawa ng pulisya ang magkahiwalay na drug bust operation sa mga bayan ng Baliwag at San Rafael, Linggo ng madaling araw.

Kinilala lamang ang isang suspek sa alyas Reymart o Pate na nasawi sa insidente habang hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isa pa na si alyas Patrick; kapwa nasa hustong gulang.

Sa unang ulat ni P/Supt. Marlon Santos ng Baliwag Police, dakong alas-12:00 ng madaling araw, bumili ng isang sachet ng shabu ang poseur buyer na pulis kay alyas Reymart sa Brgy. Pagala ngunit habang nagaganap ang transaksyon ay nakahalata ang huli na dahilan upang bunutin nito ang kanyang armas ngunit naunahang paputukan ng mga pulis na ikinasawi nito habang nakatakas ang kanyang kasabwat lulan ng isang motorsiklo.

Samantala, dakong alas-12:45 ng madaling araw nang pumalag ang suspek na si alyas Patrick sa buy bust operation sa Brgy. Pinac-Pinacan, San Rafael sanhi ng shootout at ikinabulagta ng una.

Narekober sa dalawang operasyon ang dalawang .38 revolver, mga bala, hindi nabatid na dami ng shabu,mga drug paraphernalias at dalawang P500 marked money na ginamit sa pagbili ng droga.  

Show comments