Most wanted sa Bohol tiklo

MANILA, Philippines – Nadakip ng Criminal Investigation and Dectection Group (CIDG) ang isa sa mga most wanted person (MWP) ng isang munisipyo sa Bohol.

Hinuli ng mga kasapi ng CIDG at Garcia-Hernandez Municipal Police Station si Dante Ochavillo sa Zone 3, Barangay Sinaloc, El Salvador City, Misamis Oriental kahapon.

Arrestado si Ochavillo sa bisa ng arrest warrant dahil sa kasong child abuse. Pampito si Ochavillo sa MWP municipal level sa Bohol.

Timbog din sa magkahiwalay na operasyon kahapon ang dalawang miyembro ng ‘Ludivico Group’ na sangkot sa gunrunning at akyat bahay na aktibo sa mga munisipyo ng Bugasong at Valderama sa Antique.

Nakumpiska sa bisa ng search warrant ang isang kalibre-45 na baril, dalawang magazine, at limang round ng bala mula kay Dario ‘Romnick’ Malones sa Barangay Pandanan, Valderama, Antique.

Kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Fireams and Ammunition Regulation Law si Malones.

Isang Junan ‘Pingoy’ Fernando naman ang arrestado sa Barangay Lublub, Valderama, Antique sa bisa ng arrest warrant dahil sa iligal na pagpapatakbo ng karera ng mga baka.

Show comments