Nueva Ecija mayor patay sa pananambang

MANILA, Philippines – Isa na namang alkalde ang tinambangan ngayong Martes.

Patay si Gen. Tinio Mayor Ferdinand Bote matapos pagbabarilin sa loob ng kaniyang sasakyan sa Cabanatuan City.

Naka parada ang Toyota SUV ng alkalde sa harap isang ospital nang paulanan ito ng bala.

BASAHIN: Tanauan City Mayor itinumba sa gitna ng flag-raising ceremony

Nasawi si Bote kasunod ng pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili kahapon.

Isang tama sa dibdib ang kumitil sa buhay ni Halili habang nasa flag ceremony ng lungsod.

Si Bote ang pang-10 alkalde na namatay sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Show comments