3 pusher bulagta sa shootout
MANILA, Philippines — Tatlong pinaghihinalaang kilabot na tulak ng droga ang bumulagta matapos na mauwi sa shootout ang Oplan Galugad ng mga otoridad sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Batangas noong Miyerkules ng gabi.
Sa report ni Sr. Supt. Edwin Quilantes, officer-in-charge ng Batangas Police, dakong alas-9:00 ng gabi nang maglunsad ng operasyon ang mga otoridad sa Barangay Tambo, Sico at Banay-Banay sa Lipa City.
Isang suspek na inaalam pa ang pagkakakilanlan ang napatay ng pulisya matapos itong manlaban sa ikinasang buy-bust laban sa kanya.
Dakong alas-10:30 naman ng gabi, nang manlaban din ang suspek na si Ricky de Vera, 48 sa Brgy. Pulong Niyogan, Mabini sa mga otoridad kung saan tinamaan ng bala sa dibdib si PO2 Darwin Manzo sa barilan na iniligtas naman ng suot nitong bullet proof vest.
Nabaril naman ni Manzo na gumanti ng putok ang suspek na bumulagta sa insidente at idineklara ring dead-on-arrival sa Mabini General Hospital.
Sa operasyon naman sa Brgy. Balete, Batangas City ay napatay ang isa pang hinihinalang tulak na si Lorelito Velasquez, 50-anyos na sa halip na sumuko ay nakipagbarilan siya sa mga operatiba nang matunugang mga pulis ang kaniyang ka-deal sa transaksyon ng droga.
Narekober naman mula sa mga suspek ng 3 cal. 38 revolver, 32 sachet ng shabu, at drug paraphernalia’s.
- Latest