Kelot ginilitan sa videoke bar

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Pinaniniwalaang alitan sa kantahan ang dahilan kung bakit ginilitan ang leeg ng isang obrero ng katulad niyang kustomer habang nagkakasayahan sa isang videoke bar sa Brgy. Centro 09, Aparri, Cagayan noong Sabado ng gabi. ?Sa report na nakarating kay Sr. Insp. Lorvinn Layugan, hepe ng Aparri Police, bigla na lamang nilapitan ni Kevin Reyes, 24, saka hiniwa ng punyal ang leeg ni Joseph Mirafuente, 27, dakong alas-11:00 ng gabi.?

Tumakas si Reyes matapos ang krimen subalit kalaunan ay nadakip din sa isang follow-up operation ng pulisya habang idineklarang patay si Mirafuente sa hospital. ?Ayon sa mga saksi, dati nang nagpapalitan ng masasamang titig ang dalawa na nasa magkabilang lamesa sa tuwing nagtatagisan sila ng galing sa pagkanta at kanilang mga kasamahan.

Show comments