25-anyos obrero lasog sa trak

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  —  Nalasog ang katawan ng isang 25-anyos na construction worker matapos mabangga nang rumaragasang pick-up truck habang papatawid sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Purok 5, Brgy.Tuburan sa Ligao City, Albay kahapon ng madaling araw. Isinugod pa sa Josefina Belmonte Duran Memorial Hospital pero idineklarang patay ang biktimang si Jason Monarca, trabahador ng RJM Agro Machineries at residente ng bayan ng Siruma, Camarines Sur.

Sa ulat ng Ligao City Police, dakong alas-3 ng mada­ling araw habang mabilis na binabaybay ng pick up truck na minamaneho ni Moises Tan, 56-anyos, ng Brgy. Silangan, Sorsogon City nang biglang tumawid ang biktima sa highway dahilan upang siya ay mabangga nito. Sa lakas ng salpok, tumilapon ng ilang metro sa kalsada ang biktima na agad nitong ikinasawi. Personal namang sumuko ang nasabing driver sa police station makaraang isugod sa ospital ang biktima.

Show comments