TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Patay ang isang 22-anyos na minero habang kritikal ang dalawa pa niyang kabaro matapos silang mahulog sa bangin kasama ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Brgy. Sapid, Mankayan, Benguet kamakalawa. ?Idineklarang patay sa Lepanto Hospital si Arthur Hinggangan ng Kayapa, Nueva Vizcaya habang inilipat sa magkahiwalay na hospital sina Joshua Anoma, 19, at Noli Uya-an, 20, drayber ng motorsiklo dahil sa maselan nilang kalagayan. ?
Lumalabas na pauwi na galing sa isang laklakan ang tatlo nang dumausdos sila sa pabulusok na bahagi ng kalsada bago bumangga sa isang barikada at nahulog dakong alas-9:00 ng gabi.? Ang nasawing si Hinggangan ang tanging tumilapon sa sapa at pinaniniwalaang nasawi sa pagkalunod.