HVT kumasa sa buy bust, todas

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Patay ang isang hinihinalang tulak na high value target (HVT) makaraang makipagbarilan sa mga awtoridad nang matunugan nito ang anti-drug operation sa Purok Sampaguita 1, Brgy. 10 kahapon ng madaling araw.? 

Kinilala ang napaslang na si Mark Ibanez, 23, may live-in partner at residente ng Purok Bagong Buhay, Brgy. Cotta.? 

Ayon kay P/Supt. Romulo Albacea, hepe ng Lucena City Police, dakong alas-4:15 ng hapon nang magpanggap na buyer ang isang tauhan ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) at nakipagtransaksyon sa bahay  ng suspek.? 

Habang nag-aabutan na ng epektos, nakahalata umano ang suspek kung kaya kumaripas ng takbo patungo sa riles ng tren at nagpaputok pa umano ng baril sanhi ng shootout.  

Nakuha sa suspek ang apat na plastic sachet ng shabu, P1,000 marked money, digital weighing scale at kalibre .38 revolver na kargado ng bala.

Show comments