Kagawad tiklo sa shabu

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  — Kalaboso ang isang incumbent na barangay kagawad matapos masamsam ang 17 pirasong plastic sachet na shabu nang salakayin ng mga otoridad ang kanyang bahay na pinaniniwalaang tiangge ng shabu sa Barangay Cato,Tuao, Cagayan noong Miyerkules ng gabi.
Kinilala ni Cagayan Police Director Sr.Supt Warren Tolito ang suspek na si Kagawad Renato Gauani, 47.

Nabatid na nagpalabas si  Tuao RTC Judge Edmar Castillo Sr., ng search warrant sa bahay ng suspek na sinasabing tiangge ng droga sa bayan.

Sa paghahalughog ng mga otoridad ay kasama ang misis ng suspek at opisyal ng barangay  at nakita ang nasabing mga droga.

Hindi na tumakbo para sa re-eleksyon si Gauani sa dara­ting na halalang Barangay dahil nasa huling termino na ito ng kanyang panunungkulan.  

Show comments