Ex-vice mayor nahulog sa bubong ng bus, tigok

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  — Nasawi ang isang dating vice mayor matapos mahulog mula sa bubungan ng tumatakbong pampasaherong bus sa Alfonso Lista, Ifugao kamakalawa ng gabi. ?

Sa report na ipinalabas ni Chief Insp. Carol Lacua­ta, tagapagsalita ng Cordillera Police; isa si dating Vice Mayor Mario Henaggon, 69, na nakasakay sa tuktok ng bus pauwi sa kanyang bayan sa Aguinaldo mula Santiago City, Isabela  nang sumabit siya sa kable ng kuryente na nakabitin pahalang sa kalye dakong alas 7:00 ng gabi habang sakay ng bus.

Sinikap na isugod ng mga sumaklolo ang dating opisyal sa Potia District Hospital pero idineklara siyang patay. ?

Isinailalim naman sa kustodya ng pulisya ang drayber ng bus (BVG 870) na si Brent Mayaco Sac­yong matapos ang insidente.   

Show comments