^

Probinsiya

Mister tigok sa killer trak

Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

BATAAN, Philippines — Namatay ang 49-anyos na driver makaraang magsalpukan ang motorsiklo at trak sa kahabaan ng provincial road sa Barangay Liyang sa bayan ng Pilar, Bataan kamakalawa ng hapon. Mabilis na isinugod ng mga kagawad ng Metro Bataan Development Authority sa Bataan General Hospital subalit idineklarang patay ang biktimang si Rolando Basco y Tria, may-asawa, at nakatira sa Barangay Tundol sa bayan ng Limay. Sa pagsisiyasat ng pulisya, patungong Bagac ang biktimang nagmomotorsiklo nang sumabit ito sa kaliwang bahagi ng trak (AAA 9646) ng Mighty Corporation na minamaneho ni Dexter Dilig. Gayunman, nabuwal ang motorsiklo ng biktima saka sumemplang pagsapit sa pakurbadang highway. Sumuko naman ang driver ng trak na ngayon ay nahaharap sa kaukulang kasong kriminal.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with