Military truck vs van: 7 patay, 8 sugatan

NORTH COTABATO - Pito-katao ang namatay habang walo naman ang nasugatan makaraang magbanggaan ang military truck at pampasaherong van sa kahabaan ng national highway sa Barangay Poblacion, bayan ng Manticao, Misamis Oriental noong Lunes ng gabi.

Sa ulat ni P/Supt. Lemuel Gonda na naisumite sa Camp Crame, bandang alas-8:30 ng gabi nang maganap ang trahedya sa Purok 15 sa nasabing barangay.

Napag-alamang nag-overtake sa convoy ang military truck na minamaneho ni S/Sergeant Danny Tenezo patungong Cagayan de Oro City mula sa Iligan City subalit hindi napansin na paparating   ang pampasaherong van na minamaneho naman ni Hadji Amin Bangcola.

Nabatid na ang nakasal­pukang Simba fighting vehicle (A6032) ng Philippine Army ay  maghahatid sana ng logistic supplies sa Laguindigan Airport para sa tropa ng military sa Marawi City nang maganap ang trahedya.

Ayon sa pulisya, dead on the spot sa insidente ang lima katao na kinilalang sina Hadji Latiff  Macaumbos, Rey Dacao Mancao,  Hadji Amin Bangcola, driver ng van; Siete Guimba, Jocelyn Oclarit Baldoz, isang babae na may edad 30-35 at ang dalawa pa na namatay sa pagamutan.

Ginagamot sa Manticao Provincial Hospital ang mga sugatang pasahero ng van na sina Renzo Von Pagayon, Raima Tangote, Norhaya Ampaan, Hadji Aspiya Lanto, Abdul Ratiph Lanto, 9; Reham Dom Lanto, Dimpinto Norjama at Nobalsa.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide at multiple physical injuries  ang driver ng military truck.

Show comments