63-anyos lolo, todas sa taga

CAMARINES NORTE, Philippines - Patay ang isang 63-anyos na biyudo makaraang pagtatagain matapos ang mainitang pagtatalo sa  Doña Leonila St. Zone 6, San Juan, Iriga City, Camarines Sur kamakalawa. Ang biktima ay si Jesus Merilles, ng  Zone 1, Sto. Domingo, na nataga sa iba’t ibang katawan dahilan ng agarang  kamatayan nito mula sa kamay ng kanyang kabarangay na si  Bayani Dimaiwat, 44. Agad na nahuli si Dimaiwat ng mga rumespondeng pulis at nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang may 23 pulgadang haba ng itak na ginamit sa pananaga.

Show comments