^

Probinsiya

Totoy inutas, isinako ng adik

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines – Natagpuang patay ang 9-anyos na totoy na nagtramo ng 41 saksak sa katawan matapos itong abandonahin sa bakanteng lote sa Doña Maria Subd. sa Barangay Tagas sa bayan ng Daraga, Albay kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Chief Insp Arthur Gomez  ang biktima na si Ruel Bangga ng Purok 2 sa Barangay Kilicao. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, dakong alas-5:40 ng hapon ay inireklamo ng ilang residente ang mabahong amoy mula sa nasabing lugar. Nang usisain ng mga pulis na rumesponde ay bumungad sa kanila ang sako ng semento na naglalaman ng bangkay ng biktima na naagnas na. Ayon sa nanay ng biktima na si Margarita, nagpaalam ang kanyang anak para manood ng basketball pero hindi na ito nakauwi noong Biyernes (Abril 28). May teorya ang pulisya na napagtripang patayin ng adik ang bikitma.

ARTHUR GOMEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with