^

Probinsiya

2 kawani ng DPWH-ARMM, nasagip sa ASG

Joy Cantos, Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasagip ng militar ang dalawang kawani ng Department of Public Works and Highways –ARMM matapos na abandonahin ng teroristang Abu Sayyaf Group sa pinaigting na opensiba ng militar sa  bayan ng Patikul, Sulu, kamakalawa ng gabi. 

Sa ulat ni AFP Joint Task Force Sulu Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana, kinilala ang dalawang pinalayang bihag na sina Alidznur Halis, driver; at Aljimar Ahari, assistant driver, mga kawani ng Sulu 1st District ng DPWH-ARMM.

Nabatid na nabulaga ang grupo ng Abu Sayyaf sa pagdating ng tropa ni Army’s 35th Infantry Battalion na pamumuno ni Lt. Col. Vladimir Villanueva kaya mabilis na iniwan ang mga bihag sa kagubatan ng Patikul.

Base sa tala, kinidnap ng mga tauhan ni Abu Sayyaf Sub-Commander Hatib Sawadjaan ang dalawa habang nasa ginagawang proyekto sa Sitio Bauno, Brgy. Bangkal noong Sabado ng tanghali (Abril 29).

Agad namang isinailalim sa medical checkup at debriefing  sa himpilan ng JTF sa Sulu ang dalawa.

 

ASG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with