Pusher kumasa sa drug bust, todas

RIZAL , Philippines  – Bulagta ang 32-anyos na drug suspek matapos itong kumasa at makipagbarilan sa mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Cainta, Rizal kahapon ng umaga. Kinilala ang napatay na si Sonny “Soneng” Dela Calzada ng Felix Avenue, Brgy. San Isidro sa nasabing bayan. Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Serafin Fortuno Petalio II, hepe ng Cainta Police, naganap ang drug operation sa pag-aaring carwash at repair shop ni Dela Calzada. Nakatunog naman si Dela Calzada sa inilatag na drug operation ng pulisya kaya ito kumasa at tinangkang makipagbarilan sa mga awtoridad. Subalit naunahang putukan at mapatay ng mga pulis si Dela Calzada. Narekober sa encounter site ang cal. 38 revolver ni Dela Calzada, apat na plastic sachet ng shabu at ang P200 mark money na ginamit sa drug operation.

Show comments