6 nalunod noong Biyernes Santo
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Anim-katao na karamihan ay senglot ang naiulat na nalunod sa ilog sa magkakahiwalay na insidente sa lalawigan ng Isabela, Ilocos Norte at sa La Union noong Biyernes Santo.
?Tinangay ng agos ng Magat River ang mga biktimang sina Anthony Amin, 30; Rodolfo Talamayan, 49; at si Rolando Bautista, 45, sa mga bayan ng Reina Mercedes, Angadanan at sa bayan ng Gamu sa Isabela.
Ayon kay Isabela police chief investigator na si P/Supt. Manuel Bringas, magkasamang nag-iinuman sina Amin, Talamayan at Bautista nang tinangka nilang magtampisaw sa ilog nang makaramdam ng init sa katawan.?
Gayunman, magkakasabay na nalunod makaraang mapadako sa malalim na bahagi ng nasabing ilog
Samantala, pinaghahanap pa rin ang 19-anyos na biktimang si Glen Mey Dela Cruz matapos itong lumundag sa malalim na bahagi ng Lalog River sa Barangay Lalog dos sa bayan ng Luna, Isabela.
Kusa namang lumitaw ang bangkay ni Arnel Domingo nang malunod sa sapa malapit sa kanilang bahay sa Barangay Cabungaan, Laoag City, Ilocos Norte kung saan ginanap ang matinding inuman ng magkakaibigan.?
Nabigong maisalba ng mga sumaklolo ang biktimang si Reynante Marzan matapos itong lamunin ng dagat sa beach resort sa Barangay Wenceslao, bayan ng Caba, La Union.
Nabatid na nakainom si Marzan nang tangkain nitong lumusong sa dagat subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nalunod.
- Latest