^

Probinsiya

Coed nabuntis ng nobyo, nagbigti

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pinaniniwalaang matin­ding depresyon at kahihiyan nang abandonahin ng boyfriend matapos na mabuntis, isang 2nd year college student ang nagbigti sa Barangay 2,  Malaybalay City, Bukidnon  kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Jessame Macalintal, 18, 2nd year college student sa Bukidnon State University at residente ng Barangay Gata sa bayan ng Wao, Lanao del  Sur.

Ang bangkay ng biktima na nakabigti sa bakal na bintana ng palikuran ay nadiskubre ng boardmate nitong si Abigail Alajar  na agad namang ipinagbigay alam sa mga awtoridad.

Sa ulat ng Bukidnon Police na nakarating sa Camp Came bandang alas-12:30 ng tanghali nang madiskubre ang pagpapakamatay ng biktima sa palikuran ng Pendatun Boarding House  sa Cudal Street sa nasabing lungsod.

Ayon sa imbestigasyon, bago ang pagpapatiwakal ng dalaga ay naipagtapat nito sa kaniyang pinsan at boardmates na wala siyang mukhang ihaharap sa mga magulang gayundin sa kanilang lugar matapos na mabuntis.

Sinasabing tinakasan ng kaniyang boyfriend ang dalagang estudyante na ayaw panagutan ang sanggol na dinadala nito sa kaniyang sinapupunan.

Ilang araw na umanong tulala ang biktima hanggang sa kitilin ang kaniyang sari­ling buhay habang pinaghahanap naman ang nobyo ng biktima na pinaninwalaang may pananagutan sa insidente.

BIGTI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with