Trader pumalag sa 2 holdaper, tinodas!

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines -  Pinabulagta ng dalawang holdaper ang isang 52-anyos na negosyante na matapos pagnakawan ng cash ay tinangay pa ang dala nitong motorsiklo sa isang palengke sa Brgy. Bugallon Proper, Ramon, Isabela noong Huwebes ng gabi.?

Sa report kay C/Insp. Genesis Cabacungan, hepe ng Ramon Police, ang pagpatay kay Cresencio Agdeppa ang pinakahuli sa walang puknat na patayan sa lugar.?

Lumalabas na pauwi na si Agdeppa nang harangin at hablutin ng mga suspek ang dala nitong bag na nag­lalaman ng P40,000 kita ng kanyang tindahan.?Dahil sa nakipambuno sa bag ay niratrat ng isa sa mga suspek ang biktima saka inagaw ang motorsiklo nito na ginamit sa pagtakas.?

Matatandaan na sa nasabing pamilihan din binoga at napatay ang saleslady na si Sheryl Gammad, 25, na nilooban sa binabanta­yang tindahan noong Enero habang nitong Miyerkules lamang ay niratrat din ng hindi kilalang killer ang mag-asawang Victor at Marlyn Benito sa kanilang bahay sa Brgy. Planas, nasabi ring bayan.

Show comments