Magsasaka pisak sa killer trak

Pisak ang 58-anyos na magsasaka makaraang makasalpukan ng kanyang traysikel at trak ng buhangin sa Barangay Wakas, bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa.
Boy Cruz

BULACAN , Philippines  - Kamatayan ang sinapit ng 58-anyos na magsasaka habang sugatan naman ang kabaro nito matapos na sumalpok sa trak ng buhangin ang sinasakyang traysikel sa Barangay Wakas, bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng madaling araw. Nadurog ang mga buto at naiipit pa ng gulong ang biktimang si Edgardo Miranda habang isinasalba naman sa Bulacan Medical Center ang kasamang magsasaka na si Jimmy Borja, 52, mga nakatira sa Brgy. Santa Catalina Bata sa bayan ng San Ildefonso. Sumuko naman sa pulisya at kinasuhan ang drayber ng trak na si Jesus Limiac, 54, ng Brgy. Manibaog sa bayan ng Porac sa Pampanga. Sa imbestigasyon ni PO3 Gener Cruz, nag-overtake ang traysikel ng dalawa sa sinusundang sasakyan sa kahabaan ng MacArthur Highway nang makasalubong ang trak.

 

 

 

Show comments