Mag-ama nirapido sa hapag-kainan

Bulagta ang isang babae habang kritikal na isinugod sa ospital ang kanyang tatay makaraang ratratin ang dalawang hindi kilalang lalaki habang naghahapunan sa kanilang bahay sa Barangay Sabang sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.
File Photo

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Bulagta ang isang babae habang kritikal na isinugod sa ospital ang kanyang tatay makaraang ratratin ang dalawang hindi kilalang lalaki habang naghahapunan sa kanilang bahay sa Barangay Sabang sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napatay na si Carmen Aguilar habang ginagamot sa Bicol Medical Center sa Naga City ang tatay nitong si Alfredo Aguilar, 64. Base sa police report, magkasalo sa hapunan ang mag-ama nang pasukin at pagbabarilin ng hindi nakilalang gunman. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

Show comments