^

Probinsiya

3 minasaker sa laklakan

Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
3 minasaker sa laklakan
Sinabi ni P/Chief Insp. Emil Pajarillo, hepe ng San Mateo PNP, na naniniwala siyang target ng gunman ang biktimang si Allandel Barbasa, 27, na sinasabing tulak-droga na sumawsaw sa kanilang Oplan Tokhang noong 2016. ?
File photo

TUGUEGARAO, Cagayan, Philippines – Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang mitsa ng pagpatay sa tatlong kalalakihan makaraang ratratin ng hindi kilalang la­laki habang naglalaklakan sa harapan ng tindahan sa Barangay Kuwatro, bayan ng San Mateo, Isabela noong Martes ng gabi.?

Sinabi ni P/Chief Insp. Emil Pajarillo,  hepe ng San Mateo PNP, na naniniwala siyang target ng gunman ang biktimang si Allandel Barbasa, 27, na sinasabing tulak-droga na sumawsaw sa kanilang Oplan Tokhang noong 2016. ?

Bukod kay Barbasa ay idinamay na rin ng gunman ang mga kainuman nitong sina O’Neil Ryan Esquivel, 19, ng Barangay 3; at Rexson Pascua, 30, ng Pateros, Manila.?

Nagsigawan at nag-iiyakang nagsitakbuhan ang mga residente ng compound ni Imelda Yuzon kung saan naglalaklakan ang mga biktima at siyang sinamantala ng gunman na pagkakataong tumakas.?

Ayon pa kay Pajarillo, umaabot sa P50,000 halaga ng shabu ang ina­angkat ni Barbasa mula sa kanyang supplier sa Caloocan City at Quiapo, Manila.?

Narekober sa crime scene ang mga nagkalat na basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

MINASAKER SA LAKLAKAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with