Drug suspek, itinumba

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ng mga riding-in-tandem assassins ang sinasabing number 2 drug suspect  habang sakay ng kanyang motorsiklo sa harapan ng El Juliana Hotel sa Barangay Pagpartian, Vigan City sa Ilocos Sur noong Lunes ng umaga.? Sa police report na nakarating kay P/Supt. Villaflor Bannawagan, hepe ng Vigan City PNP, kinilala ang napatay na si Eric Filart, 43, ng Barangay Cabalangegan. Gayunman, tinamaan ng ligaw na bala ang 67-anyos na si Danny Bustamante habang ito ay naglalakad nang maganap ang pamamaril kay Filart bandang alas-8:30 ng umaga. ?Base sa record ng pulisya, si Filart ay isa sa mga sumawsaw sa Oplan Tokhang ng pulisya noong nakalipas na taon. ?Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng baril habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments