Kuya todas, bunso malubha sa pinsan

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines - Patay ang isang 46-anyos na magsasaka habang nasa kritikal naman na kalagayan ang nakababatang kapatid matapos silang pagtatagain ng kanilang pinsan sa bayan ng Diffun sa lalawigan ng Quirino, kamakalawa. Ang biktima na nagtamo ng malalim na sugat sa leeg na kanyang ikinasawi ay si Alexander Lazo habang malubhang nasugatan sa ulo ang kapatid nito na si Allan Lazo, 38, nang pagtatagain sila ng suspek na si Rafael Lazo, pinsan ng mga biktima at pawang mga residente ng Dumanisi, Diffun. Sinabi ni P/Chief Insp. Maciste Extor Serrano, hepe ng Diffun Police, masayang nag-iinuman ang magkakamag-anak subalit nang malasing ay nagkaroon ng pagtatalo na nauwi sa pananaga.

Show comments