^

Probinsiya

15 trak ng basura nahakot sa MM

LIVING IN CANADA - Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa 15 truck loads na busara ang nahakot ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa  mga pangunahing lansangan sa Metro Maynila pagkatapos ng pagdiriwang ng Bagong Taon na  mas nabawasan aniya ito kumpara noong Enero 2016.

Ayon kay Francis Marti­nez, hepe ng MMDA Metropark Way Clearing Group, simula Disyembre 31, 2016 hanggang Enero 1, 2017, umabot lamang 15 truck loads ang nahakot ng mga street sweepers at clearing teams  sa mga major thoroughfares.

Karamihan sa mga basurang nakolekta ay mula sa Luneta Park sa Maynila, palengke ng Baclaran, Parañaque City at sa Balintawak area sa Quezon City.

Nabatid kay Martinez na ang mga nabawasang nahakot na basura ay ang mahigpit na kampanya ng pamahalaan laban sa paputok.

“Waste materials were composed of plastic bags, spoiled fruits and vegetables, leftovers, alcohol bottles, etc. We collected less firecracker wrappers and residues this year,” ayon kay Martinez.

Samantala, balik na sa normal ang sidewalk clearing operations ng MMDA laban sa mga illegal sidewalk vendor sa  Metro Manila sa Huwebes (Enero 5).

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with