^

Probinsiya

Ex-cop todas sa droga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napaslang ang dating pulis na sangkot sa pagtutulak ng droga matapos itong kumasa sa arresting team ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa bayan ng Mapandan, Pangasinan kahapon ng madaling araw. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Ronald Oliver Lee na naisumite sa Camp Crame,  naitala ang insidente dakong alas – 12:20  ng madaling araw sa hangganan ng Barangay David at Barangay Nilombot sa nasabing bayan. Kinilala ang na­patay na si ex-PO1 Donald Sanchez na dating nakadestino sa Sto. Tomas PNP, nasa drug watchlist at sangkot din sa gun-for-hire at nakatira sa bayan ng San Carlos, Pan­­ga­­sinan. Nabatid na habang isinasagawa ang buy-bust operation ay nakatunog si Sanchez na agad pinaputukan ang arresting team kung saan agad itong bumulagta sa shootout. Narekober naman sa crime scene ang cal. 45 pistol, apat na basyo ng bala ng baril at iba pa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with