^

Probinsiya

‘Narco-mayor’, 9 pa utas sa drug ops!

Joy Cantos, Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sampu katao ang patay kabilang ang isang alkalde ng Maguindanao na kabilang sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na umano’y kumasa sa mga operatiba ng PNP-Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) na nagbunsod ng shootout sa inilatag na checkpoint sa Brgy. Old Balatukan, Makilala, North Cotabato kahapon ng madaling-araw.

 Kinilala ang napatay na si Mayor Samsudin Dimaukom ng Datu Saudi Ampa­tuan, Maguindanao at isa sa mga tinukoy ni Pangulong Duterte na narco-politician sa kanyang drug watchlist.

Ang 9 pang napaslang ay sina Suad Adam Guiamad, binata, 24-anyos, security guard; Mubarak Ali Pasagui, 26-anyos, may asawa; Fajad Dimananal, 25-anyos, may asawa, driver; Nasrudin Alon, 28-anyos, may asawa at isang blue guard; Elmer Ali, 20-anyos, binata, photographer; Aladin Guiamad, 35-anyos, may asawa, LGU staff; Fahir Madi, 38-anyos, may asawa, LGU staff at Basir Ismael Mindog, 25-anyos, binata, blue guard; pawang mga residente ng Datu Saudi Ampatuan,  Maguindanao.

Ayon kay Central Mindanao Police Spokesman Supt. Romeo Galgo, dakong alas-4:30 ng mada­ling-araw nitong Biyernes nang mag-operate sa lugar ang mga pulis na nakabase sa Camp Crame sa tulong ng Regional Public Safety Battalion o RPSB 12 laban sa grupo ni Dimaukom. Naglatag sila ng checkpoint matapos na makatanggap ng impormasyon na magbibiyahe ng illegal na droga ang grupo ni Mayor Dimaukom sa Maguinda­nao-Cotabato area.

Sa halip na huminto at magpa-inspeksyon sa checkpoint, agad umanong nagpaputok ang grupo ng alkalde na nauwi sa barilan. 

Nadala pa sa Makilala Specialist Hospital ang mayor at mga kasamahan nito subalit idineklara silang dead-on-arrival.

Nabatid na galing sa Davao City ang grupo ng alkalde at pauwi na sana sa Maguindanao nang maharang ng mga awtoridad sa Makilala.

May mga report na 13 mga pakete ng illegal na droga at anim na mga baril ang nakuha sa nasabing sasakyan, pero hindi pa ito kinukumpirma ng pamunuan ng Police Regional Office 12.

Magugunita na noong Agosto 7, 2016 matapos na tukuyin ng Pangulo na kabilang sa narco-politicians si Dimaukom at misis nito, agad na sumuko ang alkade sa Maguindanao Provincial Police Office.

NARCO MAYORS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with