Chairman dinedo sa majongan

NORTH COTABATO, Philippines – Pinaniniwalaang bangayan sa negosyo at personal na alitan  ang isa sa motibo kaya niratrat at napatay ng mga hindi kilalang lalaki ang beteranong barangay chairman sa Purok Madasigon, Barangay Tubod sa Iligan City sa Lanao del Sur kahapon ng umaga. Kinilala ang biktima na si Bacolod Chico Chairman Calicozaman Pandiin Ismael Malic ng Barangay Bacolod Chico sa Marawi City. Base sa police report ng Iligan City PNP, naglalaro ng majong ang biktima kasama ang ilang kaibigan nang lapitan at pagbabarilin ng tatlong kalalakihan. Tinangay pa ng gunmen ang cellphone ng biktima at ang pera na ginamit sa paglalaro ng majong.

Show comments