^

Probinsiya

Van nahulog sa bangin: Ginang todas, 7 pa sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinarit ni kamatayan ang isang 54 anyos na ginang habang pito pa ang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang van sa matarik na bahagi ng highway sa Brgy. Luyo, Inabanga, Bohol nitong Sabado.

Ang nasawing biktima na  kinilalang si Graciana Avergonzado, naninirahan sa bayan ng Talibon, Bohol ay binawian ng buhay habang isinasalba sa Francisco Dagohoy Municipal Hospital.

Isinugod naman sa pa­gamutan ang mga suga­tang sina Jhun Rey Polestico, 37 anyos, driver ng van (WCQ 423), lima nitong kapamilya at isang bystander sa lugar. Kinilala ang iba pa na sina Elizabeth Polestico at apat na bata habang ang bystander ay si Elsa Melencion, 76 anyos, na nagla­lakad sa lugar.

Ang mga ito ay isinugod sa pagamutan sa lungsod ng Tagbilaran ng mga sumaklolong rescue team ng pamahalaang lokal  upang malapatan ng pangunahing lunas.

Base sa report ng Bohol Police, naitala ang sakuna sa nasabing lugar bandang alas-5:40 ng umaga.

Sa imbestigasyon, patungo sa Tagbilaran City ang behikulo galing sa bayan ng Talibon nang iwa­san umano ni Polestico ang isang kasalubong na motorsiklo pero sa kamalasan ay nabundol pa nito ang naglalakad na matanda.

Samantalang tuluy-tuloy na nahulog sa bangin sa tabi ng highway ang nasabing behikulo.

Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ang kasong ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with