Ambush: Barangay kagawad dedo

BULACAN, Philippines – Patay ang 50-anyos na barangay kagawad matapos itong tambangan ng riding-in-tandem assassins sa Barangay Alagao, bayan ng San Ildefonso, Bulacan kamakalawa ng hapon. Tatlong tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni Dionisio Ignacio ng Barangay Akle habang hindi naman idinamay ang backrider na si Mark Anthony Rangasa ng Barangay Maasim. Ayon kay SPO2 Roger Alcantara, magkaangkas sa motorsiklo sina Kagawad Ignacio at Rangasa nang dikitan at ratratin ng gunmen bandang alas-2:30 ng hapon. Natagpuan naman ang motorsiklo na ginamit ng gunmen habang narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Show comments