Supporter ng talunang kandidato, dinedo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Patay ang 39-anyos na magsasaka na tumayong campaign supporter ng talunang mayoralty candidate matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins sa Barangay San Isidro, bayan ng Buguey, Cagayan kamakalawa ng umaga.

Sa ulat ni PO2 Dave Galapia, niratrat ang biktimang si Leonardo Hermoso sa harapan ng bahay ni Chairman Angelo Tabilas habang minamaneho ang kanyang tricycle.?

Ayon kay Galapia, hindi naman idinamay ng gunman ang 4-anyos na anak na si Mark Jacob Hermoso na nasa loob ng trike nang maganap ang pamamaril. ?

Tulala pa ang bata dahil sa nasaksihang madugong kamatayan ng ama na isinugod ng mga sumaklolo sa ospital subalit idineklarang patay.

Walang makitang ibang anggulo ang pulisya sa motibo ng krimen maliban sa pagiging aktibo ng misis ng biktima noong panahon ng kampanya ng natalong LP mayoral bet na si Gasat Umayam laban kay Mayor Lyod Anyiporda.

Show comments