Bahay ng supporter ng kandidato, grinanada

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Sabog sa inihagis na granada ng hindi kilalang lalaki ang harapang bahagi ng bahay ng 44-anyos na campaign supporter ng mayoralty candidate sa Barangay Mabini, bayan ng Gamu, Isabela kamakalawa.

Ayon kay P/Senior Insp. George Marribay, hepe ng Gamu PNP, wala naman ang may-ari ng bahay na si Edna Tungpalan at pamilya nito nang maganap ang pagsabog bandang alauna ng madaling araw.?

Ayon kay Maribbay,  si Tungpalan ay national coordinator ng Patriotic Action for Democracy, Equality and Reform (PADER) at campaign supporter ng incumbent Mayor Nestor Uy ng Liberal Party.

Kalaban ni Mayor Uy sa mayoralty race ay si Vice Mayor Fernando Cumigad ng Nationalist People’s Coalition. ?

Nabatid na napansin ng ilang kapitbahay ni Tungpalan ang dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo na umaaligid sa nasabing lugar bago naganap ang pagsabog.

 

Show comments