Wanted patay sa shootout

BULACAN, Philippines – Napatay ang lalaking may nakabim­bing kaso sa hukuman matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya ng inilatag na checkpoint sa Brgy. Sampaloc, bayan ng San Rafael, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng ilang tama ng bala ng baril ang wanted na si John Lawrence Garcia ng Brgy. Virgen Delos Flores sa bayan ng Baliwag, Bulacan.

Si Garcia ay may naka­bimbing kasong attempted theft sa sala ni Judge Romeo Carmelito Conge ng Pulilan Municipal Trial Court noong Pebrero 2014.

Sa police report na isinumite sa Camp Alejo Santos sa Malolos City, dahil sa kahina-hinalang kilos ay tinangkang sitahin ng mga pulis si Garcia sa loob ng traysikel na nakaparada na may ilang metro lamang ang layo a PNP checkpoint.

Gayon pa man, pinatakbo ni Garcia ang kanyang trike kaya hinabol ng mga operatiba ng pulisya hanggang sa mauwi sa shootout.

Narekober sa encounter site ang cal.45 pistol at mga bala.

Show comments