Mag-utol minolestiya ng dayuhan

PAMPANGA, Philippines – Maagang nawasak ang kinabukasan ng magkapatid na babae matapos na halinhinang molestiyahin ng 48-anyos na Australian national sa kanyang bahay sa Barangay Amsic Angeles City, Pampanga, ayon sa ulat ng pulisya. Ayon kay SPO4 Edon Yalong ng Criminal Investigation and Detection Group Pampanga, inaresto ang suspek na si Paul Anthony Collins sa kanyang bahay sa nasabing barangay noong Lunes ng hapon. Nabatid na inimbitahan ng suspek sa kanyang bahay ang magkapatid na may edad 18 at 16 upang maglinis. Subalit nang matapos ang paglilinis ay pinag-shabu sila ng suspek saka magkasunod na minolestiya. Binantaan pa ang mga biktima na ilihim ang naganap na krimen. Hindi naman natakot ang magkapatid at ipinagbigay-alam sa kanilang mga magulang ang naganap na pangmomoletisya ng suspek.

 

Show comments