3 sugatan sa granada sa Cotabato

MANILA, Philippines – Hindi inakala ng isang pamilya na ang kanilang tahimik na pagpapahinga ay bubulabugin ng isang pagsabog.

Sugatan ang tatlong katao nakilalang sina Toks Dawadi, 50, 23-anyos na anak niyang si Bailani Dawadi-Usop at ang apong 13-buwang gulang  matapos hagisan ng granda ang kanilang bahay sa Pikit, North Cotabato kahapon.

Inihagis ng hindi pa nakikilalang suspek ang granda sa bukas na bintana ng bahay ni Dawadi.

Kaagad namang naisugod sa ospital ang mga biktima.

Hinala ni Pikit police Chief Inspector Sindatu Karim na may nakaalitan si Dawadi at binawian siya nito.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa pag-atake.

Show comments