^

Probinsiya

Suspek sa pagpatay sa coed, arestado

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Arestado ang pangunahing suspek na pumatay sa 19-anyos na coed na anak ng opisyal ng Mariano Marcos State University sa Ilocos Norte noong Agosto 2015  matapos itong makipagbarilan  at masukol ng mga operatiba ng pulisya sa Barangay Tagga, Tuguegarao City, Cagayan noong Lunes.?

Sa pahayag ni P/Senior Insp. Joefferson Gannaban, nasukol nila ang suspek na si Victorino Mangabat Jr. sa palayan kasama ang kanyang nanay na si Dahlia Mangabat matapos nilang salpukin ang barikada ng Comelec checkpoint at police car sa tangka nilang pagtakas.? Ayon kay Gannaban, rumesponde ang pulisya matapos ang flash alarm kaugnay sa puting SUV na gamit ng mag-ina na tumakas dahil hindi nagbayad sa gasolinahan.?

Nakilala ang suspek dahil sa ginamit nitong SUV na naka-flash alarm din bilang carnap vehicle mula sa bayan ng Alaminos, Pangasinan. ?Nasa ligtas nang kalagayan sa tama ng bala si Mangabat sa Cagayan Valley Medical Center habang ang ina nitong nakatakdang kasuhan ay hindi nagbigay ng anumang pahayag sa pulisya.

Base sa tala ng pulisya, huling namataang buhay ang biktimang si Jemima Keiza Andres na kasama ang suspek at iba pang kaibigan bago natagpuang patay na may tama ng bala sa ulo sa tabi ng highway sa Barangay Cristobal, bayan ng Sarrat, Ilocos Norte.

Ayon sa pulisya, ginamit ng mag-inang Mangabat ang pangalan ng dalawang malaking pulitiko sa Ilocos Norte para maisagawa ang kanilang modus operandi.

ANG

AYON

BARANGAY CRISTOBAL

BARANGAY TAGGA

CAGAYAN VALLEY MEDICAL CENTER

DAHLIA MANGABAT

ILOCOS NORTE

JEMIMA KEIZA ANDRES

JOEFFERSON GANNABAN

MANGABAT

MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with