Gunman ng lady reporter, nasakote
BATAAN, Philippines - Kalaboso ang gunman ng Abante lady reporter sa isinagawang Oplan Big time operation kung saan nasakote rin ang 17 wanted sa serye ng operasyon sa Bataan.
Nakatakdang kasuhan ang suspek sa pagbaril at pagpatay kay Abante provincial correspondent Nerly Ledesma na si Inocencio “Bandio” Bendo, 40, ng Sitio Torres sa bayan ng Samal, Bataan.
Nabatid na si Bendo na dating rebeldeng New People’s Army na naging gun-for-hire member at may warrant of arrest sa pagpatay kay Ledesma ay nasakote habang nagbebenta ng shabu sa operasyon sa bayan ng Samal.
Ayon sa pulisya, nasakote na ang suspek noong Enero 9, 2015 subalit pinalaya ng piskal dahil umatras ang mga testigo.
Umaasa ang pulisya na matutukoy na ang mastermind sa pagbaril kay Ledesma ngayong nasakote muli ang gunman at may karagdagang ebidensya na nakalap base sa lumutang na panibagong testigo sa krimen.
Base sa record ng pulisya, si Ledesma ay pinagbabaril noong umaga ng Enero 8, 2015 sa Vicinal Road sa San Rafael, Brgy. Tuyo, Balanga City, Bataan.
- Latest