72-anyos guro nairita, nagbigti

QUEZON, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 72-anyos na guro na sinasabing desperada sa buhay matapos itong magbigti sa loob ng kanyang bahay kamakalawa ng hapon sa Barangay 3-Poblacion, bayan ng Catanauan, Quezon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Remedios Fortaleza, 72, dalaga at nakatira sa nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-4:30 ng hapon nang natagpuan ang biktima ng kanyang pamangkin na nakabitin sa kanilang bahay. Narekober ng pulisya ang cellphone ng biktima na may suicide messages na humihingi ng kapatawaran sa Diyos dahil sa ginawa niyang pagpapatiwakal bunga ng matinding depresyon.

 

Show comments